Pahayag 6:10-11
Pahayag 6:10-11 ASD
Sumisigaw sila nang malakas ang tinig, “Panginoong Makapangyarihan, banal at tapat, gaano pa po kami katagal na maghihintay bago ninyo hatulan at parusahan ang mga taong makamundo na pumatay sa amin?” Bawat isa sa kanilaʼy binigyan ng puting damit at sinabihang maghintay nang kaunti pang panahon, hanggang sa mabuo ang bilang ng kanilang mga kapatid at kapwa naglilingkod sa Diyos, na papatayin ding tulad nila.

