Pahayag 4:8

Pahayag 4:8 ASD

Ang bawat isa sa apat na buháy na nilalang ay may tig-aanim na pakpak at punong-puno ng mga mata sa palibot maging sa ilalim nila. Araw-gabiʼy walang tigil silang nagsasabi ng: “Banal ang Panginoong Diyos! Siyaʼy lubos na banal! Siya ang Makapangyarihan sa lahat. Siya ang Diyos noon, ngayon, at bukas.”