Mateo 6:16-18

Mateo 6:16-18 ASD

“Kapag nag-aayuno kayo, huwag kayong magkunwaring malungkot katulad ng mga pakitang-tao. Sapagkat sinasadya nilang hindi mag-ayos ng sarili para ipakita sa iba na nag-aayuno sila. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, kung mag-aayuno kayo, mag-ayos kayo ng sarili at maghilamos, upang hindi malaman ng iba na nag-aayuno kayo, maliban sa inyong Amang hindi nakikita. At ang inyong Amang nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang siyang gagantimpala sa inyo.