Mateo 22:37-39
Mateo 22:37-39 ASD
Sumagot si Hesus, “ ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong isip.’ Ito ang pinakamahalagang utos sa lahat. At ang ikalawang pinakamahalagang utos ay katulad din nito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’








