Jeremias 47:1-2
Jeremias 47:1-2 ASD
Ito ang salita ng PANGINOON na ipinahayag niya kay Propeta Jeremias tungkol sa Filistia noong hindi pa sinasalakay ng Faraon ang Gaza: Ito ang sinasabi ng PANGINOON: “May bansang sasalakay mula sa hilaga na tulad ng bahang aapaw sa buong lupain. Wawasakin ng bansang ito ang lahat ng lungsod pati ang mga mamamayan nito. Magsisigawan at mag-iiyakan nang malakas ang mga tao; dahil sa takot.

