Mga Gawa 5:38-39
Mga Gawa 5:38-39 ASD
Kaya ito ang masasabi ko sa inyo: Pabayaan na lang ninyo ang mga taong ito, at huwag na silang pakialaman. Sapagkat kung ang mga binabalak at ginagawa nila ay galing lamang sa tao, hindi rin ito magtatagumpay. Ngunit kung galing ito sa Diyos, hindi ninyo sila mapipigilan. Baka lumabas pa na ang Diyos na mismo ang inyong kinakalaban.”

