1 Pedro 2:11-12
1 Pedro 2:11-12 ASD
Mga minamahal, kayoʼy mga dayuhan lamang dito sa mundo. Kaya nakikiusap ako sa inyong talikuran na ninyo ang masasamang pagnanasa ng inyong katawan na nakikipaglaban sa inyong espiritu. Sa lahat ng oras, mamuhay kayo nang matuwid sa harap ng mga hindi kumikilala sa Diyos. Kahit paratangan nila kayo ngayon ng masama, sa bandang huli ay makikita nila ang mga kabutihang ginagawa nʼyo at luluwalhatiin nila ang Diyos sa araw ng pagdating niya.



