1 Pedro 1:3-4
1 Pedro 1:3-4 ASD
Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo! Dahil sa dakilang awa niya sa atin, ipinanganak tayong muli sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo. Ito ang nagbibigay sa atin ng malaking pag-asa na may inihandang mana ang Diyos para sa atin. Ang pamanang itoʼy nasa langit, walang kapintasan, hindi nasisira, at hindi kumukupas.









