1
Ezekiel 37:4-5
Magandang Balita Bible (Revised)
RTPV05
Sinabi niya sa akin, “Magpahayag ka sa mga kalansay na ito. Sabihin mo: Mga tuyong kalansay, dinggin ninyo ang salita ni Yahweh. Ito ang ipinapasabi niya: Bibigyan ko kayo ng hininga at kayo'y mabubuhay.
Compara
Explorar Ezekiel 37:4-5
2
Ezekiel 37:6
Lalagyan ko kayo ng litid at laman, at babalutin ng balat. Bibigyan ko kayo ng hininga at kayo'y mabubuhay. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.”
Explorar Ezekiel 37:6
3
Ezekiel 37:3
Tinanong niya ako, “Ezekiel, anak ng tao, palagay mo ba ay maaari pang mabuhay ang mga kalansay na ito?” Sumagot ako, “Kayo po lamang ang nakaaalam, Yahweh.”
Explorar Ezekiel 37:3
4
Ezekiel 37:1-2
Nadama ko ang kapangyarihan ni Yahweh at sa pamamagitan ng kanyang Espiritu ay dinala niya ako sa isang libis na puno ng kalansay. Inilibot niya ako sa lugar na puno ng mga kalansay na tuyung-tuyo na.
Explorar Ezekiel 37:1-2
5
Ezekiel 37:7-8
Nagpahayag nga ako, tulad ng utos sa akin. Nang ako'y nagsasalita, nagkaroon ng malakas na ugong, at nabuo ang mga kalansay. Nakita kong sila'y nagkaroon ng litid at laman; nabalot sila ng balat ngunit hindi pa humihinga.
Explorar Ezekiel 37:7-8