Ngunit ang mga taong hindi napatay ng mga salot na ito ay hindi pa rin tumalikod sa mga diyos-diyosang nilikha ng kanilang mga kamay. Patuloy pa rin sila sa pagsamba sa mga demonyo, at mga diyos-diyosang yari sa ginto, pilak, tanso, bato, at kahoy. Ang mga ito ay hindi nakakakita, hindi nakakarinig, at hindi nakakalakad. Hindi rin nila pinagsisihan ang kanilang pagpatay, pangkukulam, seksuwal na imoralidad, at pagnanakaw.