1
Kawikaan 29:25
Ang Salita ng Diyos
ASD
Ang natatakot sa kanyang kapwa at nasa mapanganib na bitag, subalit ang nagtitiwala sa PANGINOON ay magiging panatag.
Compara
Explorar Kawikaan 29:25
2
Kawikaan 29:18
Kapag walang pahayag mula sa Diyos, nagkakagulo ang mga tao, subalit mapalad ang taong sumusunod sa kautusan.
Explorar Kawikaan 29:18
3
Kawikaan 29:11
Ang taong hangal ay hindi makapagpigil sa kanyang galit, ngunit ang taong marunong ay nakapagpipigil ng kanyang sarili.
Explorar Kawikaan 29:11
4
Kawikaan 29:15
Ang pagpalo at pagsaway sa bata upang siyaʼy ituwid ay magtuturo sa kanya ng karunungan, ngunit kung siya ay pababayaan, ipapahiya niya ang kanyang ina.
Explorar Kawikaan 29:15
5
Kawikaan 29:17
Disiplinahin mo ang iyong anak at bibigyan ka niya ng kapayapaan at kaligayahan.
Explorar Kawikaan 29:17
6
Kawikaan 29:23
Ang kayabangan ng tao ang magbibigay sa kanya ng kahihiyan, ngunit ang pagpapakumbaba ang magbibigay sa kanya ng karangalan.
Explorar Kawikaan 29:23
7
Kawikaan 29:22
Ang taong galit ay nagsisimula ng gulo at laging nagkakasala ang mainitin ang ulo.
Explorar Kawikaan 29:22
8
Kawikaan 29:20
Nakita mo ba ang taong padalos-dalos magsalita? Mas may pag-asa pa ang mangmang kaysa sa kanila.
Explorar Kawikaan 29:20