1
Kawikaan 13:20
Ang Salita ng Diyos
ASD
Kapag ang lagi mong kasama ay isang taong marunong, magiging marunong ka rin, ngunit kapag hangal ang lagi mong kasama ay mapapahamak ka.
Compara
Explorar Kawikaan 13:20
2
Kawikaan 13:3
Ang taong maingat sa pagsasalita ay nag-iingat ng kanyang buhay. Ngunit ang taong madaldal, dulot sa sarili ay kapahamakan.
Explorar Kawikaan 13:3
3
Kawikaan 13:24
Ang mapagmahal na magulang ay nagdidisiplina ng kanyang anak. Sapagkat kung mahal mo ang iyong anak itutuwid mo ang kanyang ugali.
Explorar Kawikaan 13:24
4
Kawikaan 13:12
Ang hangaring naantala ay nakapanghihina, ngunit ang hangaring natupad ay nakapagpapalakas at nakapagpapasigla.
Explorar Kawikaan 13:12
5
Kawikaan 13:6
Ang taong walang kapintasan ay iingatan dahil sa kanyang matuwid na pamumuhay, ngunit ang makasalanan ay mapapahamak dahil sa kanyang kasamaan.
Explorar Kawikaan 13:6
6
Kawikaan 13:11
Ang kayamanang nakuha sa pandaraya ay madaling nawawala, ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala.
Explorar Kawikaan 13:11
7
Kawikaan 13:10
Ang kayabangan ay humahantong sa kaguluhan at pagtatalo, ngunit ang nakikinig sa payo ay nagpapahiwatig ng karunungan.
Explorar Kawikaan 13:10
8
Kawikaan 13:22
Ang kayamanan ng mabuting tao ay mamanahin ng kanyang mga apo, ngunit ang kayamanan ng makasalanan ay mapupunta sa matutuwid.
Explorar Kawikaan 13:22
9
Kawikaan 13:1
Ang matalinong anak ay nakikinig sa pangaral ng kanyang ama, ngunit ang mapangkutyang anak ay hindi nakikinig kapag sinasaway siya.
Explorar Kawikaan 13:1
10
Kawikaan 13:18
Ang taong ayaw tumanggap ng pangaral ay daranas ng kahirapan at kahihiyan, ngunit ang tumatanggap nito ay pararangalan.
Explorar Kawikaan 13:18