1
Kawikaan 11:25
Ang Salita ng Diyos
ASD
Ang taong mapagbigay ay magtatagumpay sa buhay; ang taong tumutulong ay tiyak na tutulungan.
Compara
Explorar Kawikaan 11:25
2
Kawikaan 11:24
Ang mga taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit ang mga taong sakim ay hahantong sa kahirapan.
Explorar Kawikaan 11:24
3
Kawikaan 11:2
Ang taong mayabang ay madaling mapahiya, ngunit may karunungan ang taong mapagpakumbaba.
Explorar Kawikaan 11:2
4
Kawikaan 11:14
Kung walang gumagabay, babagsak ang bansa, ngunit tiyak ang kaligtasan kung maraming tagapayo.
Explorar Kawikaan 11:14
5
Kawikaan 11:30
Ang ginagawa ng mga taong matuwid ay makakatulong sa iba upang mapabuti at mapahaba ang kanilang buhay. At madadala niya ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang karunungan.
Explorar Kawikaan 11:30
6
Kawikaan 11:13
Ang mga taong madaldal ay nagsisiwalat ng sikreto, ngunit ang taong mapagkakatiwalaan ay nakakapagtago nito.
Explorar Kawikaan 11:13
7
Kawikaan 11:17
Ang mabuting tao ay gagantimpalaan ng kanyang kabutihan, ngunit hahantong sa kapahamakan ang taong malupit.
Explorar Kawikaan 11:17
8
Kawikaan 11:28
Mabibigo ang taong nagtitiwala sa kanyang kayamanan, ngunit ang taong matuwid ay lalago na parang sariwang halaman.
Explorar Kawikaan 11:28
9
Kawikaan 11:4
Ang kayamanan ay hindi makakatulong sa araw ng paghuhukom, ngunit ang matuwid na pamumuhay ay magliligtas sa iyo sa kamatayan.
Explorar Kawikaan 11:4
10
Kawikaan 11:3
Ang pamumuhay nang may katapatan ang gagabay sa taong matuwid, ngunit ang taong mandaraya ay mapapahamak dahil hindi tama ang kanyang pamumuhay.
Explorar Kawikaan 11:3
11
Kawikaan 11:22
Ang magandang babaeng hindi marunong magpasya ay parang isang gintong singsing sa nguso ng baboy.
Explorar Kawikaan 11:22
12
Kawikaan 11:1
Kinasusuklaman ng PANGINOON ang nandaraya sa timbangan, ngunit ang nagtitimbang ng tama ay kanyang kinalulugdan.
Explorar Kawikaan 11:1