Sa gayon, natupad ang isinulat ni Propeta Isaias,
“May sumisigaw sa ilang na nagsasabi,
‘Ihanda ninyo ang daan
para sa Panginoon,
tuwirin ninyo ang landas
na kanyang lalakaran.
Tatambakan ang mabababang lugar,
at papatagin ang mga bundok at burol.
Itutuwid ang liku-likong daan,
at aayusin ang mga baku-bakong landas.
At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas ng Diyos.’ ”