1
Joel 2:12
Ang Salita ng Diyos
ASD
Sinabi ng PANGINOON, “Gayunman, magbalik-loob kayo sa akin nang buong puso, may pag-aayuno, pananangis at pagdadalamhati.”
Compara
Explorar Joel 2:12
2
Joel 2:28
“At pagkatapos, ibibigay ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao. Ang inyong mga anak na lalaki at babae ay magpapahayag ng mga propesiya. Ang inyong matatandang lalaki ay mananaginip, at ang inyong mga binata ay makakakita ng mga pangitain.
Explorar Joel 2:28
3
Joel 2:13
Magsisi kayo nang buong puso at hindi pakitang-tao lamang tulad ng pagpunit ninyo ng inyong mga damit. Magbalik-loob kayo sa PANGINOON na inyong Diyos, sapagkat siyaʼy mahabagin at mapagmalasakit, hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig. Naghuhunos-dili siya at hindi itinutuloy ang kanyang parusa.
Explorar Joel 2:13
4
Joel 2:32
Ang sinumang hihingi ng tulong sa PANGINOON ay maliligtas sa parusang darating. Sapagkat ayon sa sinabi ng PANGINOON, may matitirang mga Israelita sa Bundok ng Zion, ang Jerusalem. Sila ang mga pinili ng PANGINOON na maliligtas.
Explorar Joel 2:32
5
Joel 2:31
Magdidilim ang araw at magkukulay-dugo ang buwan. Mangyayari ito bago dumating ang kamangha-manghang araw ng paghuhukom ng PANGINOON.
Explorar Joel 2:31