Sinabi mong nakakaawa ka, dahil dinagdagan ng PANGINOON ang paghihirap mo. Pagod ka na sa pagdaing at wala kang kapahingahan! Ngunit ito ang sinasabi ng PANGINOON na sabihin ko sa iyo, ‘Wawasakin ko ang bansang ito na itinayo ko. Bubunutin ko ang itinanim ko. At gagawin ko ito sa buong lupain.