1
Mga Hebreo 5:14
Ang Salita ng Diyos
ASD
Ngunit ang mga taong matigas na pagkain ang kinakain ay tulad ng taong nasa sapat na gulang, at sinanay ang isip na alamin kung ano ang mabuti at masama.
Compara
Explorar Mga Hebreo 5:14
2
Mga Hebreo 5:12-13
Dapat sanaʼy mga tagapagturo na kayo ngayon dahil matagal na kayo sa pananampalataya, ngunit hanggang ngayoʼy kailangan pa kayong turuan ng mga panimulang aralin tungkol sa salita ng Diyos. Katulad pa rin kayo ng mga sanggol na nangangailangan ng gatas dahil hindi pa ninyo kaya ang matigas na pagkain. Sapagkat ang taong sa gatas nabubuhay ay tulad ng sanggol na hindi alam kung paano mamuhay nang matuwid.
Explorar Mga Hebreo 5:12-13
3
Mga Hebreo 5:8-9
At kahit Anak siya mismo ng Diyos, natutunan niya ang pagiging masunurin dahil sa mga hirap na dinanas niya. At nang siyaʼy maging ganap, siya ang pinagmulan ng walang hanggang kaligtasan ng lahat ng sumusunod sa kanya
Explorar Mga Hebreo 5:8-9
4
Mga Hebreo 5:7
Noong nabubuhay pa si Hesus sa mundong ito, umiiyak siyang nanalangin at nagmakaawa sa Diyos na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan, at dininig siya dahil mapagpakumbaba siyang sumusunod sa kalooban ng Diyos.
Explorar Mga Hebreo 5:7