Sumumpa si Jacob na nagsabi, “Kung sasamahan po ninyo ako, aking Diyos, at babantayan ako sa aking paglalakbay, at bibigyan din ako ng pagkain at damit, hanggang sa makakabalik po akong muli sa bahay ng aking ama nang matiwasay, kikilalanin ko po kayo, PANGINOON, na aking Diyos. Ang bato pong ito na itinayo ko bilang isang alaala ay magpapatunay ng inyong presensya sa lugar na ito. At ibibigay ko po sa inyo ang ikasampung bahagi ng lahat ng ibibigay nʼyo sa akin.”