1
Genesis 25:23
Ang Salita ng Diyos
ASD
Sinabi ng PANGINOON sa kanya, “Dalawang bansa ang nasa iyong sinapupunan; ang dalawang bayan na nasa loob mo ay magkalaban. Ang isaʼy magiging makapangyarihan kaysa sa isa. Ang nakatatanda ay maglilingkod sa nakababata niyang kapatid.”
Compara
Explorar Genesis 25:23
2
Genesis 25:30
Sinabi niya kay Jacob, “Pakiusap, bigyan mo nga ako ng niluluto mong mapula-pulang sabaw dahil gutom na gutom na ako.” (Kaya tinatawag din si Esau na Edom.)
Explorar Genesis 25:30
3
Genesis 25:21
Ipinanalangin ni Isaac sa PANGINOON ang kanyang asawa dahil baog siya. Tinugon ng PANGINOON ang dalangin niya, kaya nagbuntis si Rebeca.
Explorar Genesis 25:21
4
Genesis 25:32-33
Sinabi ni Esau, “Sige, ano baʼng gagawin ko sa karapatan na iyan kung mamamatay din lang ako sa gutom.” Sumagot si Jacob, “Kung ganoon, sumumpa ka muna sa akin.” Kaya sumumpa si Esau na mapupunta kay Jacob ang karapatan niya bilang panganay.
Explorar Genesis 25:32-33
5
Genesis 25:26
Nang lumabas ang ikalawa, ang kamay niya ay nakahawak sa sakong ng kanyang kakambal, kaya pinangalanan nila siyang Jacob. Si Isaac ay animnapung taóng gulang nang ipanganak ni Rebeca ang kambal.
Explorar Genesis 25:26
6
Genesis 25:28
Mas nagustuhan ni Isaac si Esau dahil mahilig siyang kumain ng mga ipinangaso ni Esau, ngunit si Jacob naman ay mas nagustuhan ni Rebeca.
Explorar Genesis 25:28