1
Genesis 22:14
Ang Salita ng Diyos
ASD
Tinawag ni Abraham ang lugar na iyon na “Naglalaan ang PANGINOON.” Ito ang pinagmulan ng kasabihang, “Sa bundok ng PANGINOON may inilalaan siya.”
Compara
Explorar Genesis 22:14
2
Genesis 22:2
Pagkatapos, sinabi niya, “Dalhin mo ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak na si Isaac, at pumunta kayo sa lupain ng Moria. Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko sa iyo at ialay mo siya sa akin bilang handog na sinusunog.”
Explorar Genesis 22:2
3
Genesis 22:12
Sinabi ng anghel, “Huwag mong patayin ang anak mo! Ngayon, napatunayan ko na may takot ka sa Diyos dahil hindi mo ipinagkait ang kaisa-isa mong anak.”
Explorar Genesis 22:12
4
Genesis 22:8
Sumagot si Abraham, “Anak, ang Diyos mismo ang magbibigay sa atin ng tupang ihahandog.” At nagpatuloy sila sa paglalakad.
Explorar Genesis 22:8
5
Genesis 22:17-18
tiyak na pagpapalain kita at gagawin ko ang lahi mong kasindami ng mga bituin sa langit at ng buhangin sa dalampasigan. Sasakupin nila ang mga lungsod ng kanilang mga kaaway. At sa pamamagitan ng iyong mga lahi, pagpapalain ko ang lahat ng bansa sa mundo, dahil sumunod ka sa akin.”
Explorar Genesis 22:17-18
6
Genesis 22:1
Dumating ang panahon na sinubok ng Diyos si Abraham. Tinawag siya ng Diyos, “Abraham!” “Narito po ako,” tugon niya.
Explorar Genesis 22:1
7
Genesis 22:11
tinawag siya ng anghel ng PANGINOON mula sa langit, “Abraham! Abraham!” Sumagot si Abraham, “Narito po ako.”
Explorar Genesis 22:11
8
Genesis 22:15-16
Muling tinawag ng anghel ng PANGINOON si Abraham mula sa langit. Sinabi niya, “Ito ang sabi ng PANGINOON: Sumusumpa ako sa sarili ko na dahil ginawa mo ito at hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak
Explorar Genesis 22:15-16
9
Genesis 22:9
Nang dumating sila sa lugar na sinabi ng Diyos, gumawa si Abraham ng altar na bato, at inihanda niya ang mga kahoy sa ibabaw nito. Pagkatapos, iginapos niya si Isaac at inihiga sa ibabaw ng altar.
Explorar Genesis 22:9