1
Ezekiel 37:4-5
Ang Salita ng Diyos
ASD
Sinabi niya sa akin, “Sabihin mo sa mga butong ito na makinig sa sasabihin ng PANGINOON. Sapagkat ako, ang Makapangyarihang PANGINOON, ang magsasabi nito sa kanila, ‘Bibigyan ko kayo ng hininga, at mabubuhay kayo.
Compara
Explorar Ezekiel 37:4-5
2
Ezekiel 37:6
Bibigyan ko kayo ng mga litid at laman, at babalutin ko kayo ng balat. Bibigyan ko nga kayo ng hininga, at mabubuhay kayo. At malalaman ninyong ako ang PANGINOON.’ ”
Explorar Ezekiel 37:6
3
Ezekiel 37:3
Tinanong ako ng PANGINOON, “Anak ng tao, mabubuhay pa kaya ang mga butong ito?” Sumagot ako, “Makapangyarihang PANGINOON, kayo lang po ang nakakaalam.”
Explorar Ezekiel 37:3
4
Ezekiel 37:1-2
Napuspos ako ng kapangyarihan ng PANGINOON at dinala ako ng kanyang Espiritu sa gitna ng isang lambak na puno ng kalansay. Inilibot niya ako roon, at nakita ko ang napakaraming tuyong buto na nagkalat sa lambak.
Explorar Ezekiel 37:1-2
5
Ezekiel 37:7-8
Kaya nagpropesiya ako kung paano iniutos sa akin. At habang ako ay nagsasalita, narinig ko ang tunog ng mga butong nagkakabit-kabit at nabuo. Nakita ko ring nagkaroon ang mga ito ng mga litid at laman at nabalot ng balat, pero walang hininga.
Explorar Ezekiel 37:7-8