Hindi lang iyan, gamitin din ninyo bilang panangga ang pananampalataya ninyo upang hindi kayo tablan ng mga panunukso ni Satanas na parang mga palasong nagliliyab. Isuot ninyo bilang helmet ang tinanggap ninyong kaligtasan, at gamitin ninyo bilang espada ang Salita ng Diyos na kaloob ng Espiritu.