Ipinapanalangin ko rin na maliwanagan ang inyong pusoʼt isipan upang maunawaan ninyo ang pag-asa na inilaan niya sa atin, ang napakahalaga at napakasaganang pagpapala na ipinangako niya sa mga hinirang. Ipinapanalangin ko rin na malaman ninyo ang napakadakilang kapangyarihan ng Diyos para sa ating mga sumasampalataya sa kanya. Ang lakas ng kapangyarihang ito ang ginamit niya nang buhayin niyang muli si Kristo at nang paupuin sa kanyang kanan sa langit. Kaya nasa ilalim ng kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng naghahari at namamahala, mga namumuno at may kapangyarihan. Ang kanyang pangalan ay hindi mapapantayan ng anumang kinikilalang pangalan, hindi lang sa panahong ito kundi sa darating pang panahon.