1
Mangangaral 7:9
Ang Salita ng Diyos
ASD
Huwag maging magagalitin dahil ang pagiging magagalitin ay ugali ng mga hangal.
Compara
Explorar Mangangaral 7:9
2
Mangangaral 7:14
Magalak ka kung mabuti ang kalagayan mo. Pero kung naghihirap ka, isipin mo ito: Ang Diyos ang gumawa sa dalawang bagay na ito. Kaya hindi natin malalaman kung ano ang mangyayari sa hinaharap.
Explorar Mangangaral 7:14
3
Mangangaral 7:8
Mas mabuti ang pagtatapos kaysa sa pagsisimula. Ang pagiging matiisin ay mas mabuti kaysa sa pagiging mapagmataas.
Explorar Mangangaral 7:8
4
Mangangaral 7:20
Wala ni isang tao rito sa mundo ang laging gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.
Explorar Mangangaral 7:20
5
Mangangaral 7:11-12
Ang karunungan ay mabuti gaya ng isang pamana, pareho itong nakakatulong sa mga namumuhay dito sa mundo. Nagbibigay din ito ng proteksyon gaya ng pera. Pero higit pa roon, iniingatan nito ang buhay ng nagtataglay nito.
Explorar Mangangaral 7:11-12
6
Mangangaral 7:1
Ang malinis na pangalan ay mas mabuti kaysa sa mamahaling pabango; at ang araw ng kamatayan ay mas mabuti kaysa sa araw ng kapanganakan.
Explorar Mangangaral 7:1
7
Mangangaral 7:5
Mas mabuting makinig sa pagsaway ng marunong kaysa makinig sa papuri ng hangal.
Explorar Mangangaral 7:5
8
Mangangaral 7:2
Mas mabuting pumunta sa namatayan kaysa sa isang handaan, dahil ang lahat ay mamamatay. Dapat ay lagi itong isipin ng mga buháy pa.
Explorar Mangangaral 7:2
9
Mangangaral 7:4
Laging iniisip ng marunong ang kamatayan; pero ang hangal, ang laging iniisip ay kasiyahan.
Explorar Mangangaral 7:4