1
2 Mga Taga-Corinto 4:18
Ang Salita ng Diyos
ASD
Kaya hindi nakatuon ang aming mga mata sa mga bagay na nakikita kundi sa mga bagay na hindi nakikita. Sapagkat ang mga bagay na nakikita ay panandalian lamang, ngunit ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan.
Compara
Explorar 2 Mga Taga-Corinto 4:18
2
2 Mga Taga-Corinto 4:16-17
Kaya iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na dahan-dahang nanghihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu araw-araw. Sapagkat ang mga paghihirap na dinaranas namin sa mundong ito ay panandalian lamang. Ngunit nagdudulot ito ng kaluwalhatiang mananatili magpakailanman at hindi mapapantayan ng anuman.
Explorar 2 Mga Taga-Corinto 4:16-17
3
2 Mga Taga-Corinto 4:8-9
Ginigipit kami sa lahat ng paraan, ngunit hindi nalulupig. Nalilito kami, ngunit hindi nawawalan ng pag-asa. Inuusig kami, ngunit hindi kami pinapabayaan ng Diyos. Pinapabagsak kami, ngunit hindi tuluyang nalulugmok.
Explorar 2 Mga Taga-Corinto 4:8-9
4
2 Mga Taga-Corinto 4:7
Nasa amin ang kayamanang ito, ngunit tulad lang kami ng palayok na pinaglagyan nito upang maipakita ang hindi mapapantayang kapangyarihan ay mula sa Diyos, hindi sa amin.
Explorar 2 Mga Taga-Corinto 4:7
5
2 Mga Taga-Corinto 4:4
Ayaw nilang maniwala sa Magandang Balita dahil ang kanilang mga isipan ay binulag ni Satanas na naghahari sa mundong ito. Binulag niya sila upang hindi nila maintindihan ang Magandang Balita tungkol sa kapangyarihan ni Kristo, na siyang larawan ng Diyos.
Explorar 2 Mga Taga-Corinto 4:4
6
2 Mga Taga-Corinto 4:6
Sapagkat ang Diyos na nagsabing, “Magkaroon ng liwanag sa kadiliman,” ang siya ring nagbigay-liwanag sa aming mga isipan para maunawaan namin ang kapangyarihan ng Diyos na nahayag kay Hesu-Kristo.
Explorar 2 Mga Taga-Corinto 4:6