At nang mangaral ako sa inyo, hindi ako gumamit ng matatamis na pananalita batay sa karunungan ng tao para kumbinsihin kayo. Sa halip, pinatunayan ng Espiritu ang aking pangangaral sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, nang sa ganooʼy hindi nakasalalay sa karunungan ng tao ang inyong pananampalataya kundi sa kapangyarihan ng Diyos.