2 Mga Taga-Corinto 4:16-17
2 Mga Taga-Corinto 4:16-17 ASD
Kaya iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na dahan-dahang nanghihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu araw-araw. Sapagkat ang mga paghihirap na dinaranas namin sa mundong ito ay panandalian lamang. Ngunit nagdudulot ito ng kaluwalhatiang mananatili magpakailanman at hindi mapapantayan ng anuman.






