1 Mga Taga-Corinto 8:1-2

1 Mga Taga-Corinto 8:1-2 ASD

Ngayon, tungkol naman sa tanong ninyo hinggil sa mga pagkaing inialay sa mga diyos-diyosan: Alam nating “may kaalaman tayong lahat” tungkol dito. Ngunit kung ang kaalamang ito ay nagtutulak sa tao na maging mapagmataas, ang pag-ibig naman ang nagpapatatag sa iglesya. Ang taong nag-aakala na marami na siyang alam ay kulang pa rin talaga sa kaalaman.