1
JOEL 2:12
Ang Biblia, 2001
ABTAG01
“Gayunma'y ngayon,” sabi ng PANGINOON, “manumbalik kayo sa akin nang inyong buong puso, na may pag-aayuno, at may pagtangis, at pagdadalamhati.
Параўнаць
Даследуйце JOEL 2:12
2
JOEL 2:28
“At mangyayari pagkatapos nito, na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at ang inyong mga anak na lalaki at mga anak na babae ay magsasalita ng propesiya, ang inyong matatanda ay mananaginip ng mga panaginip, ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain.
Даследуйце JOEL 2:28
3
JOEL 2:13
At punitin ninyo ang inyong mga puso at hindi ang inyong mga damit.” Manumbalik kayo sa PANGINOON ninyong Diyos; sapagkat siya'y mapagbiyaya at mahabagin, hindi magagalitin, at sagana sa tapat na pag-ibig at nalulungkot sa kasamaan.
Даследуйце JOEL 2:13
4
JOEL 2:32
At mangyayari na ang sinumang tumatawag sa pangalan ng PANGINOON ay maliligtas, sapagkat sa bundok ng Zion at sa Jerusalem ay pupunta ang mga nakatakas, gaya ng sinabi ng PANGINOON, at kabilang sa mga naligtas ay yaong mga tinatawag ng PANGINOON.
Даследуйце JOEL 2:32
5
JOEL 2:31
Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay magiging dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na araw ng PANGINOON.
Даследуйце JOEL 2:31