1
Mateo 16:24
Ang Salita ng Diyos
ASD
At sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Ang sinumang gustong maging alagad ko ay kinakailangang itakwil ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin.
Параўнаць
Даследуйце Mateo 16:24
2
Mateo 16:18
At ngayon sinasabi ko sa iyo na ikaw si Pedro. At sa batong ito, itatayo ko ang aking iglesya, at hindi ito malulupig kahit ng kapangyarihan ng kamatayan.
Даследуйце Mateo 16:18
3
Mateo 16:19
Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng Langit. Anuman ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal din sa langit, at anuman ang ipahintulot mo sa lupa ay ipapahintulot din sa langit.”
Даследуйце Mateo 16:19
4
Mateo 16:25
Sapagkat ang sinumang naghahangad na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nag-aalay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay magkakaroon nito.
Даследуйце Mateo 16:25
5
Mateo 16:26
Ano naman ang mapapala ng tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, ngunit mapapahamak naman ang kanyang buhay? May maibabayad ba siya para mabawi niya ang kanyang buhay?
Даследуйце Mateo 16:26
6
Mateo 16:15-16
Tinanong sila ni Hesus, “Ngunit sa inyo, sino ako?” Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Mesias, ang Anak ng Diyos na buháy.”
Даследуйце Mateo 16:15-16
7
Mateo 16:17
Sinabi ni Hesus sa kanya, “Pinagpala ka ng Diyos, Simon na anak ni Jonas. Sapagkat hindi tao ang nagpahayag sa iyo ng bagay na ito kundi ang aking Amang nasa langit.
Даследуйце Mateo 16:17