Walang Katulad Si Jesus预览

Walang Katulad Si Jesus

7天中的第3天

May utang na loob ba kay Lord? ⛓️‍💥

Ano ba ang experience mo with the term “no strings attached”? In our culture, we're used to the idea that everything comes with expectations. Kapag may kamag-anak na tumulong sa pag-aaral, inaasahan na susuklian ito ng utang na loob. Maybe this influences our view of love. Parang ang "no string attached" na pag-ibig ay laging may "fine print"—"Mamahalin kita at aalagaan kita, basta't sumunod ka sa akin"; "Aalagaan kita hanggang sa aking huling hininga—basta't panatilihin mo akong masaya.”

Pero alam mo ba na mayroong pag-ibig na talagang walang strings attached?

Inibig tayo ng Diyos at ipinadala ang Kanyang Anak upang mamatay para sa atin—habang tayo ay mga makasalanan pa (Romans 5:8). Para saan? Para tanggapin natin Siya at paglingkuran Siya? Para sambahin Siya? Para magdala ng iba sa Kanyang kaharian?

Yes, those are natural results of His love, pero wala sa Bible ang nagsasabing may hinihingi Siyang kapalit mula sa atin. Ang magtakda ng kapalit ay magbabawas sa totoong halaga ng Kanyang pagmamahal na walang katulad. Yes, He wants to see hearts that genuinely love Him—at dinadala Niya tayo sa Kanyang sarili by showing how much He loves us through the cross.

Pero hindi Niya pinipilit ang ating response. Alam mo ba na kahit wala tayong ibalik sa Kanya, patuloy pa rin Niyang ibibigay ang parehong pagmamahal sa atin, kasing tindi ng pagmamahal Niya mula pa sa simula ng panahon? Ganyan kalakas, hindi nagbabago, at walang kondisyon ang Kanyang pagmamahal.

Ganyan ka kamahal ng Panginoon, ibinibigay ang lahat, nang hindi humihingi ng kapalit. Wow.

Tandaan mo, isa kang miracle!

读经计划介绍

Walang Katulad Si Jesus

Isang 7-day Reading Plan Patungkol sa Walang Katulad na si Jesus

More