Committed Siya Sa Iyo预览

Orphan ka ba?
Narinig mo na ba ang term na “orphan mindset”?
Hindi naman tayo lahat physically ulila, pero alam mo bang common pala sa mga tao na lumaking parang may “orphan mindset”? It happens kapag ang feeling natin walang nagmamalasakit sa atin, walang nag-aasikaso sa ating mga pangangailangan, proteksyon, o kinabukasan.
Actually, isa ito sa mga epekto ng pagkahulog ng tao sa kasalanan—pero ito rin ang dahilan kung bakit namatay si Jesus sa Krus. Nais Niyang ibalik sa atin ang tunay na relasyon natin kay God. Nang kunin ni Jesus ang ating lugar at naging kasalanan sa Krus, iniwan Siya ng Kanyang Ama, at kapalit nun, binigyan tayo ng karapatan na maging anak ng Diyos (tulad ng sinabi sa John 1:12). Ang Espiritu na inilagay Niya sa atin ay sumasang-ayon dito, kaya’t tinatawag tayo ng Espiritu na “Abba, Ama” (o sa mas modernong wika, Tatay o Papa).
Kung feeling mo sa ngayon ay parang walang tumutulong sa’yo, ito ang pakinggan mo: the truth is, ang iyong Ama ay nandiyan, palaging nasa tabi mo. Alam Niya kung ano ang pinagdadaanan mo at ramdam Niya ang nararamdaman mo.
As a father, alam ko kung gaano kasakit na makita ang anak mong umiiyak, parang gusto mong gawin lahat para maalis ang sakit na yun! Eh, gaano pa kaya kalaki ang pagmamahal at malasakit ng ating Ama sa langit?
Ang Ama natin sa langit ay hindi malayo tulad ng ibang ama dito sa lupa. Hindi Siya yung laging disappointed sa’yo. Sa halip, Siya ay laging masaya sa’yo. Laging handang makipag-usap at yakapin ka.
Kaya’t lumapit ka sa iyong Daddy at pakinggan Mo Siya: “Nandito ako, anak, palagi kitang susuportahan. Mahal kita.”
Isa kang miracle.