Simula Ng Iyong Paglago Kay Kristo预览

Simula Ng Iyong Paglago Kay Kristo

8天中的第5天

Pag-aaral at Pagsasabuhay ng Salita ng Diyos

Alam mo ba na nakikipag-usap ang Diyos sa iyo sa pamamagitan ng Bibliya, na inihahayag ang Kanyang karakter at kalooban? At sa pamamagitan ng Bibliya, makikita natin na ito ay “kapaki-pakinabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran”! (2 Timoteo 3:16-17)

Maliwanag din na sinasabi ng Bibliya na dapat mong isabuhay ang sinasabi nito, hindi lamang maging “tagapakinig ng Salita kundi tagatupad nito.” (Santiago 1:22-26)

Ang pag-aaral at pagsasabuhay ng Bibliya ay isang kapanapanabik na bahagi ng iyong paglago kay Kristo.

Narito Kung Paano Mo Ito Magagawa

Narito ang isang halimbawa kung paano ka makakapagsimula ng pag-aaral at pagsasabuhay ng Salita ng Diyos sa iyong buhay.

Gamitin natin ang Awit 119:9 bilang panimula.

"Paano mapapanatiling dalisay ng isang kabataan ang kanyang pamumuhay? Sa pamamagitan ng pagsunod sa Iyong Salita." (Awit 119:9)

Unang Hakbang : Obserbasyon

Isulat ang mga katotohanan na iyong napansin sa talata pati na rin ang mga tanong na pumapasok sa iyong isip.

“Ipinaliwanag ng manunulat kung paano mamuhay nang dalisay. Ano ang ibig sabihin ng mapanatili ang dalisay na pamumuhay?”

Ikalawang Hakbang: Interpretasyon

Isulat ang kahulugan ng talata at ang mga sagot sa mga tanong na iyong tinanong.

“Ang pagbabasa at pagsunod sa Bibliya ang makakatulong sa akin upang mamuhay nang dalisay. Ang ‘dalisay’ ay nangangahulugang malinis, walang kasalanan, walang bahid, walang kapintasan.”

Ikatlong Hakbang 3: Aplikasyon

Isulat ang ilang tiyak na hakbang na gagawin mo upang maisabuhay ang katotohanan sa iyong buhay.

“Gusto kong mamuhay nang dalisay na kalugud-lugod sa Diyos. Kailangan kong maglaan ng oras upang magbasa at mag-aral ng Bibliya. Gagawin ko ito tuwing Sabado mula 9am-10am simula ngayong linggo.”

Bakit hindi natin laging naisasabuhay ang ating natutuhan mula sa Bibliya?

Ano ang isang hakbang na maaari mong gawin ngayong linggo upang simulang isabuhay ang Bibliya sa iyong pang-araw-araw na buhay?

读经计划介绍

Simula Ng Iyong Paglago Kay Kristo

Bago ka ba sa iyong relasyon kay Hesus? Ang pagkilala kay Hesus ay ang pinaka-kapanapanabik na relasyon na maaari mong maranasan. Narito ang lugar kung saan ka maaaring magsimula.

More