Ang ABKD ng Semana Santa预览

Ang ABKD ng Semana Santa

20天中的第8天

I: Iglesya (Church)

At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang kapangyarihan ng kamatayan ay hindi magtatagumpay laban sa kanya. (Mateo 16:18)

Matapos umakyat ni Hesus sa langit, nakapiling ng Kaniyang mga tagasunod ang Banal na Espiritu na Siyang nagbibigay-gabay sa mga disipulo ni Kristo upang maitatag ang Kaniyang iglesya. Maaari itong mabasa sa kasaysayan ng ating pananampalataya sa aklat ng Mga Gawa.

Bilang mga Kristyano, tayo ay parte ng minamahal na iglesya ng Panginoon. Ang iglesya Niya ay inaatasang magpalaganap ng Kaniyang Magandang Balita o Ebanghelyo at sumunod sa lahat ng iniuutos ng Panginoon sa Bibliya—sa ganitong paraan, marami pa ang makakakilala sa ‘Ngalan ni Hesus at maniniwalang Siya ang ating dakilang Tagapagligtas.

Dalangin nating ngayong Semana Santa, nawa’y palakasin ng Panginoon ang ating pananampalataya’t tiwala sa Kanya upang maibahagi natin ang Kanyang kabutihan sa sinumang makakasalamuha natin sa buwan na ito. Makakatiyak tayong gagamitin ng Panginoon ang ating paggunita sa sakripisyo ni Hesus bilang paraan upang manumbalik sa Kanya ang ating mga mahal sa buhay.

读经计划介绍

Ang ABKD ng Semana Santa

Ngayong Semana Santa, sabay-sabay nating alalahanin ang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa krus upang bigyang papuri ang ating Ama sa langit at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at kamatayan.

More