Dalhin ninyo ang ikasampung bahagi ng trigo, bagong alak at langis, at ang panganay ng inyong mga hayop sa lugar na pipiliin ng PANGINOON na inyong Diyos kung saan pararangalan siya. Doon ninyo ito dalhin sa kanyang presensya. Gawin ninyo ito para matuto kayo na laging gumalang sa PANGINOON na inyong Diyos.