Kung may isang propeta o tagapagpaliwanag ng panaginip na nangako sa inyo, na magpapakita siya ng mga himala at kamangha-manghang bagay, at nangyari ang sinabi niya, at sabihin niya sa inyo, “Sumunod tayo at sumamba sa ibang mga diyos na hindi pa natin nakikilala.” Huwag kayong maniwala sa kanya, dahil sinusubukan lang kayo ng PANGINOON na inyong Diyos kung minamahal nʼyo ba siya nang buong pusoʼt kaluluwa.