2 Mga Taga-Corinto 3:5-6
2 Mga Taga-Corinto 3:5-6 ASD
Kung sa aming sarili lamang, wala kaming sapat na kakayahang gawin ito. Lahat ng aming kakayahan ay mula sa Diyos. Siya ang nagbigay sa amin ng kakayahang maipahayag ang kanyang bagong tipan. At ang bagong tipan na ito ay hindi ayon sa nakasulat na kautusan kundi ayon sa Espiritu. Sapagkat ang Kautusan ay nagdudulot ng kamatayan, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay-buhay.


