Logo Aplicația Biblia
Pictograma căutare

MGA AWIT 20

20
Panalangin upang magtagumpay sa kaaway. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
1Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan;
# Kaw. 18:10. Itaas ka sa mataas ng pangalan ng Dios ni Jacob;
2Saklolohan ka mula sa #2 Cron. 20:8; Awit 73:17. santuario,
At palakasin ka mula sa #Awit 128:5. Sion;
3Alalahanin nawa ang lahat ng iyong mga handog,
At tanggapin niya ang iyong mga haing sinunog; (Selah)
4 # Awit 21:2. Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso,
At tuparin ang lahat ng iyong payo.
5Kami ay #Awit 9:14. magtatagumpay sa iyong pagliligtas,
At #Awit 60:4. sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat:
Ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi.
6Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang #Awit 2:2. kaniyang pinahiran ng langis;
Sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit
Ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay.
7 # Kaw. 21:31; Is. 31:1. Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo:
# 2 Cron. 32:8. Nguni't babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios.
8Sila'y nangakasubsob at buwal:
Nguni't kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid.
9Magligtas ka, Panginoon:
Sagutin nawa kami ng Hari pagka kami ay nagsisitawag.

Selectat acum:

MGA AWIT 20: ABTAG

Evidențiere

Copiază

Compară

Împărtășește

None

Dorești să ai evidențierile salvate pe toate dispozitivele? Înscrie-te sau conectează-te