1
Salmo 84:11
Ang Salita ng Diyos
ASD
Dahil kayo PANGINOONG Diyos ay tulad ng araw na nagbibigay-liwanag sa amin at pananggalang na nag-iingat sa amin. Pinagpapala nʼyo rin kami at pinararangalan Hindi nʼyo ipinagkakait ang mabubuting bagay sa sinumang matuwid ang pamumuhay.
Confronta
Esplora Salmo 84:11
2
Salmo 84:10
Ang isang araw sa inyong Templo ay higit na mabuti kaysa sa isang libong araw sa ibang lugar. Mas nanaisin ko pang mamalagi sa bahay ng aking Diyos, kaysa manirahan sa bahay ng masasama.
Esplora Salmo 84:10
3
Salmo 84:5
Mapalad ang mga taong tumanggap ng kalakasan mula sa inyo at nananabik na makapunta sa inyong Templo.
Esplora Salmo 84:5
4
Salmo 84:2
Gustong-gusto kong pumunta roon! Nananabik akong pumasok sa inyong Templo, PANGINOON. Ang buong katauhan koʼy aawit nang may kagalakan sa inyo, O Diyos na buháy.
Esplora Salmo 84:2