YouVersion Logo
Search Icon

1 Timoteo 3

3
Ang mga Tagapangasiwa sa Iglesya
1Totoo ang pahayag na ito: Ang sinumang nagnanais na maging tagapangasiwa#1 tagapangasiwa: o kaya'y obispo. sa iglesya ay naghahangad ng mabuting gawain. 2Kaya#Tito1:6-9. nga, ang isang tagapangasiwa ay kailangang walang kapintasan; isa lamang ang asawa,#2 isa lamang ang asawa: o kaya'y minsan lang nag-asawa. marunong magpigil sa sarili, maingat, kagalang-galang, bukás ang tahanan sa iba, at may kakayahang magturo. 3Hindi siya lasenggo, hindi marahas, kundi mahinahon; hindi mahilig makipag-away at hindi maibigin sa salapi. 4Dapat mahusay siyang mamahala sa sariling pamilya, iginagalang at sinusunod ng kanyang mga anak. 5Sapagkat paano siyang makakapangasiwa nang maayos sa iglesya ng Diyos kung hindi niya maiayos ang sarili niyang pamilya? 6Kailangang siya'y matagal nang mananampalataya; sapagkat kung hindi, baka siya'y maging palalo at mapahamak na gaya ng diyablo. 7Bukod dito, kailangang siya'y may mabuting patotoo sa paningin ng mga hindi sumasampalataya upang di siya mapintasan at hindi mahulog sa bitag ng diyablo.
Ang mga Tagapaglingkod sa Iglesya
8Ang mga tagapaglingkod#8 tagapaglingkod: o kaya'y diakono. naman ay dapat ding maging kagalang-galang, tapat mangusap, hindi lasenggo at hindi sakim sa salapi. 9Kailangang sila'y tapat sa pananampalataya na ating ipinapahayag, at may malinis na budhi. 10Kailangang subukin muna sila, at kung mapatunayang sila'y karapat-dapat, saka sila gawing mga tagapaglingkod.
11Gayundin naman, ang mga babaing tagapaglingkod#11 ang mga babaing tagapaglingkod: o kaya'y ang kanilang mga asawa. ay dapat maging kagalang-galang, hindi tsismosa, mapagtimpi at matapat sa lahat ng mga bagay.
12Ang mga tagapaglingkod sa iglesya ay dapat isa lamang ang asawa#12 isa lamang ang asawa: o kaya'y minsan lang nag-asawa. at maayos mangasiwa sa kanilang mga anak at sambahayan. 13Ang mga tagapaglingkod na tapat sa tungkulin ay iginagalang ng mga tao at buong tiwalang makapagpapahayag tungkol sa pananampalataya kay Cristo Jesus.
Ang Hiwaga ng Ating Relihiyon
14Umaasa akong magkikita tayo sa lalong madaling panahon, ngunit isinulat ko ang mga ito 15upang kung hindi man ako makarating agad ay malaman mo kung ano ang dapat na maging ugali ng mga taong kabilang sa sambahayan ng Diyos na buháy, sa iglesya na haligi at saligan ng katotohanan. 16Hindi maikakaila na napakadakila ng hiwaga ng ating relihiyon:
Siya'y#16 Siya'y: Sa ibang matatandang manuskrito'y Ang Diyos ay. nahayag nang maging tao,
pinatunayang matuwid ng Espiritu,#16 pinatunayang matuwid ng Espiritu: o kaya'y pinatunayang matuwid sa espiritu. at nakita ng mga anghel.
Ipinangaral sa mga Hentil,
pinaniwalaan ng lahat, at itinaas sa kalangitan.

Currently Selected:

1 Timoteo 3: RTPV05

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy