1
2 Mga Taga-Corinto 12:9
Ang Salita ng Diyos
ASD
Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, “Sapat ang biyaya ko para sa ʼyo sapagkat ang kapangyarihan koʼy nakikita sa ʼyong kahinaan.” Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay palagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Kristo.
Vergleichen
Studiere 2 Mga Taga-Corinto 12:9
2
2 Mga Taga-Corinto 12:10
Dahil dito, nagagalak ako sa kabila ng aking kahinaan, mga panlalait, mga pasakit, pang-uusig, at sa mga paghihirap alang-alang kay Kristo. Sapagkat kung kailan ako mahina, saka naman ako pinalalakas ng Diyos.
Studiere 2 Mga Taga-Corinto 12:10
3
2 Mga Taga-Corinto 12:6-7
At kung magmamalaki man ako, hindi ako magmimistulang hangal, dahil totoo naman ang aking sasabihin. Ngunit pinipigilan ko ang aking sarili dahil baka maging labis ang pagtingin ng ilan sa akin kaysa sa nakikita nila sa aking pamumuhay. Para hindi ako maging mayabang dahil sa mga kamangha-manghang ipinakita ng Diyos sa akin, binigyan ako ng isang kapansanan sa katawan. Hinayaan ng Diyos na pahirapan ako ni Satanas sa aking kapansanan upang hindi ako maging mayabang.
Studiere 2 Mga Taga-Corinto 12:6-7