Bagkus, sinubok kami ng Diyos at napatunayan kaming mapagkakatiwalaan. Hinirang niya kami upang ipahayag ang Magandang Balita at sa dahilan lamang na ito kamiʼy nangangaral. Ginagawa namin ito hindi upang bigyang-lugod ang tao, kundi ang Diyos na patuloy na sumisiyasat sa aming mga puso.