1
SANTIAGO 3:17
Ang Biblia, 2001
ABTAG01
Ngunit ang karunungang buhat sa itaas, una'y malinis, saka mapagpayapa, banayad, mapagbigay, puspos ng kaawaan at ng mabubuting bunga, walang pagtatangi, walang pagkukunwari.
Porovnat
Zkoumat SANTIAGO 3:17
2
SANTIAGO 3:13
Sino ang marunong at maunawain sa inyo? Ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay ang kanyang mga gawa sa kaamuan ng karunungan.
Zkoumat SANTIAGO 3:13
3
SANTIAGO 3:18
At ang bunga ng katuwiran ay itinatanim sa kapayapaan ng mga gumagawa ng kapayapaan.
Zkoumat SANTIAGO 3:18
4
SANTIAGO 3:16
Sapagkat kung saan mayroong paninibugho at pagiging makasarili, doon ay mayroong kaguluhan at bawat gawang masama.
Zkoumat SANTIAGO 3:16
5
SANTIAGO 3:9-10
Sa pamamagitan nito ay pinupuri natin ang Panginoon at Ama, at sa pamamagitan nito ay nilalait natin ang mga taong ginawa ayon sa larawan ng Diyos. Mula sa iisang bibig ay lumalabas ang pagpupuri at panlalait. Mga kapatid ko, hindi dapat maging ganito.
Zkoumat SANTIAGO 3:9-10
6
SANTIAGO 3:6
At ang dila'y isang apoy. Ang dila na kasama ng ating mga sangkap ay isang sanlibutan ng kasamaan. Dinudungisan nito ang buong katawan, at sinusunog ang pag-inog ng kalikasan, at ito mismo ay sinusunog ng impiyerno.
Zkoumat SANTIAGO 3:6
7
SANTIAGO 3:8
subalit ang dila ay hindi napapaamo ng tao, isang hindi napipigilang kasamaang punô ng lasong nakamamatay.
Zkoumat SANTIAGO 3:8
8
SANTIAGO 3:1
Mga kapatid ko, huwag maging guro ang marami sa inyo, yamang nalalaman nating hahatulan tayo ng mas mahigpit.
Zkoumat SANTIAGO 3:1