Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

ARAW 7 NG 90

Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin BINHI NG KATOTOHANAN Basahin Mga Taga-Efeso 1:1-10. Balikan ang babasahin at isipin ang mga ispiritwal na kaloob sa'yo kay Cristo. May isa bang pagpapala na lubos na nangingibabaw sa iyo ngayon? Sa pagsuri mo sa mga ito, sambitin ang mga ito sa iyong sarili. Halimbawa: "Pinili ako bago pa likhain ang sanlibutan." MAGTANIM NG BINHI Mataimtim na bigkasin sa sarili ang piling babasahin mula sa Bibliya. Isapuso ito at pagnilay-nilayan sa buong araw. Mga Taga-Efeso 1:3 "Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo." MAGDILIG NG BINHI Isaalang-alang ang ibig sabihin ng mga pagpapalang ispiritwal sa pamamagitan ni Cristo. Maglaan ng 2-3 minuto para manalangin at pag-isipan kung paano mamuhay araw-araw sa katotohanang ito. Sa pagharap sa krisis o pagdedesisyon, alalahanin ang talatang ito. At lumakad sa pananampalataya, na "Ang Diyos ay biniyayaan ako kay Cristo ng lahat ng ispiritwal na kaloob." Manalig sa Kanyang lakas at tandaang mahal ka Niya. MAG-ANI NG BUNGA Biniyayaan ng lahat ng ispiritwal na kaloob. MAGTAPOS SA PANALANGIN Hingin sa Diyos na pagyabungin ang lahat ng naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka n...

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: www.thistlebendcottage.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya