Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Aklat Ni MateoHalimbawa

Ang Aklat Ni Mateo

ARAW 6 NG 7

MAGING MAPAGBANTAY PALAGI


Sa gayon ikaw ay dapat ding maging handa, sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi mo inaasahan. (Mateo 24:44 NIV)


Ang unang pagdating ni Jesus ay naiiba sa kanyang ikalawang pagbabalik. Sa Kanyang unang pagparito, Siya ay dumating na may kasuotang alipin, Siya ay dumating upang maglingkod. Gayunman, sa Kanyang ikalawang pagparito, Siya ay darating na may kasuotan bilang Hari ng mga hari at maghahari Siya sa mundo.


Sinabi ni Jesucristo sa Kanyang mga alagad kung ano ang mga palatandaan ng Kanyang ikalawang pagparito. At kahit ngayon alam natin na nakakakita tayo ng napakalinaw na mga palatandaan na ang Kanyang ikalawang pagparito ay malapit na.


Ang isang talinhaga na itinuro sa atin ni Jesucristo ay tungkol sa talinhaga ng limang hangal na birhen at limang matalinong birhen. Ang mga Kristiyano na naniniwala sa ikalawang pagparito ni Cristo ngunit hindi ihinahanda nang maayos ang kanilang sarili ay katulad ng limang mga hangal na birhen, samantalang ang limang matalinong birhen ay naglalarawan ng mga Kristiyano na naniniwala sa Kanyang ikalawang pagparito at laging nagbabantay. Ang mga taong laging nagbabantay ay ang mga nagpapanatili ng langis at apoy ng Banal na Espiritu at hindi hinayaan silang mamatay sa kanilang buhay. Ang kasiyahan ng mundo ay isang bagay na maaaring maging sanhi upang mabawasan ang ating apoy sa Diyos hanggang sa mamatay ito. Ang mga talento ng mananampalataya ay kailangan ding palaguin dahil ito ay mga regalo mula sa Diyos upang paglingkuran Siya.


Kumusta naman ang ating pag-aalab sa Diyos? Kumusta din naman ang ating pag-aalab sa mga Salita ng Diyos? Patuloy ba tayong umaalab sa ating espiritwal na buhay? May apoy pa rin ba tayo upang maglingkod sa Diyos? Kailangan nating suriin ang ating espiritwal na buhay upang magising at manatiling tapat habang hinihintay ang Kanyang pagdating.


Ang mga taong laging nagbabantay ay ang mga nagpapanatili ng langis at apoy ng Banal na Espiritu at hindi hinayaan silang mamatay sa kanilang buhay.

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Aklat Ni Mateo

Ang debosyong ito (kinuha mula sa Aklat ni Mateo) ay magbibigay sa iyo ng mga katotohanan sa Bibliya, at gagabay sa iyo upang maisagawa ito araw-araw habang nagpapatuloy ka sa iyong lakad ng pananampalataya kay Cristo.

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya