Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Aklat Ni MateoHalimbawa

Ang Aklat Ni Mateo

ARAW 5 NG 7

ANG PANALANGIN AY YAYANIG NG MUNDO


“Tandaan din ninyo: kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman sa pananalangin, ito'y ipagkakaloob sa inyo ng aking Ama na nasa langit. Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.” (Mateo 18: 19-20 NIV)


Ang ating Diyos ay nasa lahat ng dako na Diyos, na hindi maaaring limitahan ng espasyo at oras. Siya ang Makapangyarihang Diyos na walang sinuman ang makakahadlang sa Kanyang Salita at Siya ang Diyos na nakakaalam ng lahat at walang maitatago sa harapan Niya. Alam niya ang ating iniisip. Maraming beses, kung nakakasama ni Jesus ang mga guro ng batas, alam na ni Jesus ang kanilang masasamang pagiisip at ang pagnanais nilang bitagin Siya.


Kaya, kung ang ating mga saloobin ay alam ng Diyos, nangangahulugan iyon na ang lahat ng ating hangarin at motibasyon ay alam din Niya. Mayroon bang maling intensyon o pagkukunwari sa atin? Maaari nating ikubli ang ating sarili at maging mapagkunwari sa harap ng tao, ngunit hindi natin maitatago ang mga bagay sa harap ng Diyos.


Sa pagdarasal natin kasama ang ating mga katuwang sa pananalangin, taos-puso ba tayong nanalangin kaisa nila? Huwag itago ang anumang mga negatibong damdamin o saloobin sa ating katuwang sa panalangin. Ang Diyos ay higit na interesado sa pagkakaisa o pagiging isa ng mga puso natin kaysa sa nilalaman ng ating mga panalangin. Dahil kahit gaano kahusay ang mga salitang ginamit natin sa ating mga panalangin, kung wala tayong espiritu ng pagkakaisa, magiging walang kabuluhan ang ating mga panalangin.


Ang pagkakaisa ay tumutukoy sa pagkakaroon ng isang isip at isang pakiramdam na tulad ni Cristo. Huwag panatilihin ang poot sa iba sa ating mga puso upang ang Diyos ay sumaatin sa ating mga panalangin. Ang mga dalangin na may pagkakaisa ay yayanig sa mundo. Ang panalanging may pagkakaisa ay magiging sanhi upang tumakas at lumayas ang kapangyarihan ng kadiliman sapagkat ayaw ng diablo ang pagkakaisa ng mga mananampalataya.


Ang mga dalangin na may pagkakaisa ay yayanig sa mundo.

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Aklat Ni Mateo

Ang debosyong ito (kinuha mula sa Aklat ni Mateo) ay magbibigay sa iyo ng mga katotohanan sa Bibliya, at gagabay sa iyo upang maisagawa ito araw-araw habang nagpapatuloy ka sa iyong lakad ng pananampalataya kay Cristo.

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya