1
Juan 10:10
Ang Salita ng Diyos
ASD
Dumarating ang magnanakaw upang nakawin at patayin ang mga tupa; kamatayan at pagkawasak ang dala niya sa kanila. Ngunit akoʼy naparito upang magkaroon ang mga tao ng buhay na ganap.”
對照
探尋 Juan 10:10
2
Juan 10:11
“Ako ang mabuting pastol, at ang mabuting pastol ay handang mag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga tupa.
探尋 Juan 10:11
3
Juan 10:27
Nakikinig sa akin ang aking mga tupa. Kilala ko sila at sumusunod sila sa akin.
探尋 Juan 10:27
4
Juan 10:28
Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanman ay hindi sila mapapahamak. Walang makakaagaw sa kanila mula sa aking kamay
探尋 Juan 10:28
5
Juan 10:9
Ako ang pintuan; ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko ay maliligtas. Magiging katulad siya ng tupa na malayang nakakapasok at nakakalabas ng kulungan, at makakatagpo siya ng pastulan.
探尋 Juan 10:9
6
Juan 10:14-15
“Ako ang mabuting pastol. Kung paano ako nakikilala ng aking Ama at kung paano ko siya nakikilala, ganyan din ang pagkakakilala ko sa aking mga tupa at ang pagkakakilala nila sa akin. At iniaalay ko ang aking buhay para sa kanila.
探尋 Juan 10:14-15
7
Juan 10:29-30
sapagkat walang makakaagaw sa kanila mula sa kamay ng aking Ama na siyang nagbigay sa kanila sa akin. Siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Ako at ang Ama ay iisa.”
探尋 Juan 10:29-30
8
9
Juan 10:18
Walang makakakuha ng aking buhay, kundi kusa ko itong ibinibigay. May kapangyarihan akong ibigay ito, at may kapangyarihan din akong bawiin ito. Ito ang iniutos sa akin ng aking Ama.”
探尋 Juan 10:18
10
Juan 10:7
Kaya muling nagsalita si Hesus at sinabi, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ako ang pintuan ng mga tupa.
探尋 Juan 10:7
11
Juan 10:12
Hindi ako katulad ng bayarang pastol, sapagkat ang ganitong tagapagbantay ay tumatakas at iniiwan niya ang mga tupa kapag nakakita ng lobo na paparating. Kaya sinusunggaban ng lobo ang mga tupa at binubulabog.
探尋 Juan 10:12
12
Juan 10:1
Sinabi pa ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang pumapasok sa kulungan ng mga tupa nang hindi dumadaan sa pintuan, kundi umaakyat sa pader ay magnanakaw at tulisan.
探尋 Juan 10:1
首頁
聖經
計畫
視訊