Minsan, habang kumakain sila, sinabi niya, “Huwag muna kayong umalis sa Jerusalem. Hintayin ninyo ang ipinangako ng Ama. Sinabi ko na ito sa inyo noon. Nagbautismo si Juan sa tubig, ngunit ilang araw lamang mula ngayon ay babautismuhan kayo sa Banal na Espiritu.”