Sumagot si Hesus, “Ito ang pinakamahalagang utos: ‘Pakinggan ninyo mga taga-Israel! Ang Panginoon lamang na ating Diyos ang tanging Panginoon. Kaya mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong isip, at nang buong lakas!’ At ang pangalawa ay ito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na higit pang mahalaga kaysa sa dalawang ito.”