Sa araw na ito, tinatawag ko ang langit at lupa na maging saksi kung alin dito ang pipiliin ninyo: buhay o kamatayan, pagpapala o sumpa. Piliin sana ninyo ang buhay para mabuhay kayo nang matagal pati na ang inyong mga anak. Mahalin ninyo ang PANGINOON na inyong Diyos. Sundin ninyo siya at manatili kayo sa kanya, dahil siya ang inyong buhay. Kapag ginawa ninyo ito, mabubuhay kayo nang matagal doon sa lupaing ipinangako niyang ibibigay sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob.